Roxas at Abaya, Pinakakasuhan

133

Manila, Philippines – Pinakakasuhan ni Buhay PL Rep. Lito Atienza sina dating DILG Sec. Mar Roxas ar dating DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya sa administrasyong Duterte dahil sa mga anomalyang kinasangkutan sa MRT3.

Ayon kay Atienza, malinaw naman ang mga dokumento na nagsasabing mayroon talagang katiwalian sa mga kontratang pinasok noon ng gobyerno sa MRT.

Sinabi ni Atienza na si Roxas ang pumirma noon sa mga bagong bagon na kalaunan ay hindi naman pala compatible sa porma ng riles at tren ng MRT.

Pumalya naman si Abaya sa pagbibigay proteksyon sa interes ng publiko at kinunsinti ang mga contractor na pagkakitaan at ipasa sa taumbayan ang dagdag singil sa pamasahe sa MRT.

Maaari aniyang sampahan ng graft charges ang mga ito dahil sa nasayang ang pera ng bayan.

Naniniwala si Atienza na sa ilalim ng Duterte administration ay posibleng mapanagot sina Roxas at Abaya sa kapabayaan ng paglala ng problema sa MRT.
DZXL558

Facebook Comments