Roxas Blvd Service Road, binulabog ng bomb scare

32

Manila, Philippines – Binulabog ng bomb scare ang Roxas Blvd. Service Road kanto ng Padre Faura Street sa lungsod ng Maynila.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Manila Police District (MPD), nakatanggap sila ng tawag na may isang itim na bag na iniwan o naiwan sa kalsada dakong alas-6:10 ng umaga.


Kasalukuyang kinordon ng MPD-SWAT at bomb squad ang lugar at kanila nang pinag-aaralan kung paano ito masusuri.

Isinara muna din sa mga motorista at bawal munang dumaan ang mga tao sa service road para na din sa kanilang kapakanan.

Sa ngayon sinusuri na ang CCTV para malaman kung sino ang taong may-ari ng bag.

Facebook Comments

From Advertisers