ROYAL WEDDING | Kensington Palace, humingi ng privacy sa isyung hindi dadalo ang ama ni Meghan Markel sa kasal nito kay Prince Harry

32

England – Humihingi ng privacy ang Kensington Palace sa isyu na hindi pupunta ang ama ni Meghan Markel sa kasal nito kay Prince Harry.

Ayon sa inilabas na statement ng Kensington Palace, respetuhin sana at unawain ang desisyon ni Thomas Markle na ama ng US actress.

Nabatid kasi na dumanas ng heart attack ang ama ni Meghan ilang araw bago ang ‘royal wedding’ na gaganapin sa Mayo 19.

Bukod kay Thomas, ba-biyahe naman na sa United Kingdom ang mga ilang kaanak ni Meghan na kabilang sa inimbitahan sa kasal.

Facebook Comments