Rufa Mae Quinto, magiging tampok sa cover ng isang US Magazine

91

Inaasahang magiging tampok sa cover ng isang US-based magazine ang Comedienne na si Rufa Mae Quinto.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Rufa ang kanyang “goddess-looking” na photo kung saan ang kanyang katawan ay nababalot ng bulaklak at halaman.


Kwento niya, shinoot ito ng isa sa mga top photographers ng San Francisco na si Vincent Gotti para sa nalalapit na magazine cover sa Hollywood.

Para kay Rufa, walang imposible at hindi siya makapaniwala na mangyayari itong oportunidad sa kanya.

Ang magazine ay ilalabas sa May 11.

Facebook Comments