Ruffa Gutierrez, nagbabala sa ‘future husbands’ ng kanyang dalawang anak

Nagbabala si Ruffa Gutierrez sa ‘future husbands’ ng kanyang mga anak na sila Lorin na 17 yrs old at Venice na 16 yrs old.

Giit ni Ruffa, malalagot ang mga ito hindi lang sa kanya at sa kanilang tatay na si Yilmaz Bektas , kundi sa buong angkan ng Gutierrez sakaling sirain ang buhay at puso ng kanyang mga anak.

“Dapat mahalin niyo si Lorin o si Venice. Ang message ko dapat maging seryoso sila sa anak ko”, ani Ruffa.


Mas gusto rin ng aktres ng tradisyonal na pamamaraan ng panliligaw sa kanyang dalawang anak.

Biro pa ng aktres, siya na lamang daw ang ligawan at sa kanya na ipadala ang mga regalo ng mga ito.

Pero sa ngayon, gusto muna ni Ruffa na mag-focus sina Lorin at Venice sa kanilang pag-aaral.

Facebook Comments