Ruffa Mae Quinto, very proud sa unti unting pagbalik ng kaniyang figure matapos manganak

Manila, Philippines – Masayang ibinahagi ng komedyanteng si Ruffa Mae Quinto ang mabilis nitong pagbawas ng timbang matapos manganak.
 
Sa kaniyang instagram account, ipinost ni ruffa ang litrato kung saan nakasuot ito ng underwear at may caption na nakapagbawas ito ng mahigit na 40 pounds sa loob lamang ng isang buwan.
 
Ayon sa komedyante, natulala at nagulat siya ng makita niya ang kaniyang sarili sa salamin dahil sa mabilis nitong pagbawas ng timbang.
 
Mahigit isang buwan na ng isilang ni Ruffa ang anak nitong si Alexandria Athena mula sa asawang si Trev Magallanes.
 
Samantala, hindi rin nagpakabog ang singer actress na si Vina Morales na nagpakita rin ng kaniyang summer body.
 
Sa kaniyang instagram account, pinakita ng 41-anyos na singer/actress ang kaniyang kaseksihan habang ito ay nasa Bohol.
 
Kasama niya sa larawan ang anak nitong si Ceana sa isang beach.
 
May caption pa ito ng isang quote mula kay Gautama Buddha kung saan nagsasabing walang magmamahal sa isang tao kung hindi ang kaniyang sarili.
 
Photo from: @rufamaequinto IG 

Facebook Comments