Friday, March 13, 2026

Rule of law, dapat manaig sa ikatlong impeachment complaint kay VP Sara — Malacañang

Iginiit ng Malacañang na dapat manaig ang rule of law at umiiral na proseso sa pag-usad ng ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito’y matapos maghain ng ikatlong impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo ang isang religious group, na inendorso ni ML Party-list Representative Leila de Lima.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi ito usapin ng pulitika kundi ng pagsunod sa mga mekanismong itinakda ng batas, kaya’t ipinauubaya sa Kongreso ang pagtalakay at pagproseso ng reklamo.

Nilinaw rin ng Malacañang na dapat managot ang sinumang mapatutunayang may pananagutan, kasabay ng paggalang sa karapatan ng lahat ng panig na dumaan sa tamang proseso.

Tiniyak ng Malacañang na kumpiyansa ang Pangulo sa kakayahan ng Kamara na pangasiwaan ang proseso alinsunod sa Konstitusyon at umiiral na mga batas.

Facebook Comments