Running Priest Robert Reyes, naniniwalang politika lamang ang dahilan sa pagakakapasa ng death penalty bill

56
Manila, Philippines-Naniniwala ang running priest na si Father Robert Reyes na pulitika lamang ang dahilan kung bakit naipasa sa kamara ang death penalty bill.

Sa interview ng RMN kay Reyes, napatunayan na ang parusang bitay ay hindi sagot sa pagbaba ng bilang krimen.

Sinabi rin ni Reyes na inaasahang maglalabas anumang araw ng pahayag ang iba’t-ibang sektor ng simbahan.

Muling paalala ni Reyes na hindi titigil ang simbahang Katolika na magbigay ng komento hangga’t may paglabag sa karapatan ng isang tao.

Facebook Comments