Russel Westbrook, naitala ang ikalawang 20-20-20 game sa kasaysayan ng NBA

Humataw si Russell Westbrook ng Oklahoma City Thunder para paluhurin ang dumayong Los Angeles Lakers, 119-103.

 

Nagtapos si Westbrook na may 20 points, 20 rebounds at 21 assits dahilan para itanghal siya bilang ikalawang player sa NBA history na nagtala nito sa isang laro.

 

Naduplika rin ng 2017 NBA Most Valuable Player ang kahalintulad na record ni NBA Legend Wilt Chamberlain noong 1968 na nagtapos naman na may 22 points, 25 rebounds at 21 assists.


 

Sumandal naman ang Lakers kay Kentavious Caldwell-Pope na may 23 points.

 

Sa iba pang laro, humakot ng 36 points at 10 assists si James Harden para ipalasap ng Houston Rockets sa Sacramento Kings ang ikaapat nitong talo sa loob ng anim na laro.

 

Habang nanguna sa hanay ng Kings si Buddy Hield na may 20 points.

Facebook Comments