Russia, nakabuo na ng bakuna laban sa COVID-19!

Ipinagmalaki ni Russian Defense Ministry Sergei Shoigu pagkakatuklas nila ng kanilang sariling COVID-19 vaccine kasunod ng matagumpay ng clinical trials sa grupo ng mga volunteer.

Ayon sa ulat, 18 katao ang nakibahagi sa research at sila ay lumabas sa pagamutan nang walang anumang nararamdaman na komplikasyon o side effects.

Una nang sinabihan ni Shoigu si President Vladimir Putin noong Mayo na gumagawa na sila ng mga bakuna para sa nasabing sakit.


Inaasahan namang matatapos sa katapusan ng Hulyo ang clinical trials ng nasabing bakuna.

Facebook Comments