Russian opposition leader Alexei Navalny, positibong nilason!

96
Courtesy: The Guardian

Nagpositibo sa pagkalason si Russian opposition leader Alexei Navalny.

Ito ang lumabas sa pagsusuri ng isinagawa ng mga doctor sa Charite Hospital.


Lumabas sa isinagawang medical examination na nakainom ito ng substance mula sa grupo ng cholinesterase inhibitors.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay sumama ang pakiramdam ni Navalny matapos uminom ng tsaa.

Sa ngayon ay bumubuti na ang kalagayan ng opposition leader matapos ilipat sa Berlin Hospital.

Si Navalny ay naging matinding kritiko ni Russian President Vladimir Putin.




Facebook Comments