
Isang buwan matapos mambastos sa kaniyang vlog ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy, tila matatagalan pa siya bago makalabas ng Pilipinas.
Ngayong Lunes, kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na inilipat na sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ang Russian vlogger na hindi nagustuhan ng maraming Pinoy ang naging biro.
Sabi ng BI, June 11 nang inilipat sa BJMP si Zdorovetskiy na nahaharap sa patong-patong na kaso matapos arestuhin noong Abril dahil sa Immigration laws.
Tinanggihan din ng BI ang hiling nito na makapagpiyansa at mananatili siya sa kulungan hangga’t hindi pa nareresolba ang mga kinakaharap na kaso.
Tiniyak naman ng BI na hindi binigyan ng special treatment ang dayuhan lalo na’t lumabag ito sa batas at inabuso ang pagiging hospitable ng mga Pinoy.