Ruta ng domestic flights, nakasalalay pa rin sa pag-apruba ng IATF

Tatlong ruta pa rin ang prayoridad ng Cebu Pacific at Cebgo sa kanilang flights ngayong araw hanggang sa Linggo, June 7, 2020.

Kabilang sa mga prayoyidad na ruta ng naturang airlines ang patungo ng Cagayan de Oro, Naga at General Santos City.

Gayundin ang patungo ng Manila mula sa naturang mga lalawigan.


Nilinaw naman ng Cebgo at CebuPac na ang kanilang flight schedules ay maaaring mabago depende sa basbas ng Inter-Agency Task Force (IATF), Local Government Units (LGU) at ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Prayoridad pa rin sa domestic flights ang mga stranded na pasahero, OFWs at mga kailangang bumiyahe na may kinalaman sa kanilang trabaho.

Facebook Comments