Ryza Cenon, aminadong nakaranas ng postpartum blues matapos manganak

69

Aminado ang aktres na si Ryza Cenon na nakakaranas siya ng postpartum blues o ang pagkakaroon ng anxiety, crying spells at pabago-bago ng mood matapos manganak.

Ayon kay Ryza, nahihirapan siyang mag-adjust bilang isang nanay kung saan minsan ay tinatamad na umano siya sa kanyang buhay at hinahayaan niya na lamang umiyak ang kanyang anak.


Say ng aktres, simula nang siya ay manganak ay wala pa siyang pahinga at tulog.

Pero pagtitiyak pa nito, kinakaya niya ang lahat ng ito dahil ginagawa pa rin niyang motivation ang kaniyang anak para mawala ang kaniyang negative feelings at magpursigi bilang isang mabuting Ina.

Facebook Comments