Sa Agno Pangasinan, ama sinaksak ang sariling anak

16

Sugatan ang 29-anyos na mangingisda matapos itong saksakin ng kaniyang sariling ama sa Barangay Cayungan , Agno Pangasinan.

Ayon sa report ng pulisya, sinaksak ang biktimang si Johnson Tesoro ng kaniyang ama na si Fernando Tesoro na kapwa lango sa alak at dahil ditto ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-ama.


Isinugod naman agad sa pinaka malapit na hospital ang biktima ngunit agad na inilipat sa isang pribadong hospital sa Dagupan City dahil sa maselan nitong kalagayan dahil sa pananaksak.

Ang kutsilyong ginamit sa pananaksak ay nasa kustodiya na ng awtoridad maging ang suspek.

Facebook Comments

From Advertisers