Sa Aklan, dahil sa kumpirmadong kaso ng COVID-19, boundary checkpoints, mas hinigpitan!

102

Mas naghigpit ngayon ng checkpoints sa boundaries ng mga bayan sa lalawigan ng Aklan matapos ang announcement kahapon ng Provincial Health Office PHO-Aklan tungkol sa tatlong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 dito.

Kaugnay nito, agad na nagpalabas ng panibagong Executive Order si Kalibo Mayor Emerson Lachica. Nakasaad sa EO no. 35 series of 2020, na hindi na nila papapasukin pa sa bayan ng Kalibo ang hindi Kalibonhon at hindi sa nasabing bayan ang address ng pinagtatrabahuhang opisina o establisemento komersiyal.


Hindi rin nila, aniya, bibigyan ng kunsiderasyon kahit na ang merong home quarantine pass, maliban lamang sa emergency.

Hinihiling ni Mayor Lachica ang pag intindi ng mga tao sa nasabing sitwasyon, ito aniya ay paraan lamang para manalo ang Aklanon sa giyera laban sa COVID-19 infection.

Facebook Comments