Sa Cotabato, bahay ng isang barangay kagawad pinagbabaril ng mga armadong grupo

35

Muli na namang umigting ang tension ng dalawang magkaalitang pamilya sa Sitio Linaw Barangay Kalanganan 1 sa  Cotabato City makaraang paulanan ng bala kahapon ng tanghali ang bahay ni barangay kagawad Napisa Arap.

 

Ayon sa report mula sa City PNP, ilang kalalakihan ang biglang dumating umano sa bahay ni kagawad Arap na pinangunahan ng grupo ni kumander Erap at doon ay walang habas na nagpaputok ng baril o hinarass ang kanilang pamamahay.

 

Mabuti na lamang daw at walang natamaan o nasugatan sa panig ni kagawad.

 

Mabilis namang tumakas ang grupo ni kumander Erap patungo sa hindi napag alamang direksyon.

 

Sinasabing rido o land conflict ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

 

Ilang beses ng pinag ayos ng LGU Sultan Kudarat at Cotabato City kasama ang PNP at army ang naturang alitan.

 

Sa ngayon ay patuloy na tinututukan ng City PNP ang insedente

Facebook Comments