SA DAGUPAN CITY: City hall pinanindigan na hindi ililipat

23

Nilinaw ni Mayor Marc Brian Lim na hindi ililipat ang city hall ng Dagupan at patuloy ang pag gamit nito sa kabila ng usap usapan na hindi ito gagamitin dahil sa usaping pulitiko ng nakaraang administrasyon.
Sa nangyaring panayam ng IFM Dagupan sa alkalde ay nilinaw niyang wala siyang balak ilipat ito at dapat umano na manatili kung saan ito nakatayo bilang pagbibigay galang sa mga naunang administrasyon at gamitin ito upang hindi malito ang mga tao.
Magkakaroon lamang umano ng kaunting renobasyon sa city hall upang mas maging kaaya aya pa ito sa paningin ng mga Dagupeño at mga turista .
Samantala, hinihiling naman ng alkalde na magkaisa ang lahat upang maging mas maganda at progresibo pa ang lungsod ng dagupan

Facebook Comments

From Advertisers