SA DAGUPAN CITY: MGA AMBULANT VENDORS, BALIK PWESTO NA SA GALVAN STREET

23
Balik pwesto na sa Galvan Street, Dagupan City ang aabot sa 70 ambulant vendors simula ng payagan ang mga itong magbenta muli matapos ang operasyon ng Bartilyo sa nasabing lugar.
Matapos ang pansamantalang pagpwesto ng mga ito sa Nueva Street at Haveliano Street, umaasa ang mga tindera na makakabawi na sila sa kita ngayong sila ay balik pwesto na.
Ilang buwan ding matumal ang bentahan ng mga ito matapos malipat sa pwesto.

Sa ngayon, hiling ng City Market Divisions na sumunod sa nasabing sukat ng pwesto ang mga ambulant vendors.
Samantala, balik ruta na rin ang mga pampasaherong jeep sa Galvan Streeet. Maari na itong magbaba at magsakay ng mga pasahero mga tsuper na may rutang Downtown-Bonuan Area at Downtown-Tambac sa nasabing lugar. | ifmnews
Facebook Comments