Sa kabila ng krisis sa healthcare system ng bansa, pagre-recruit ng mga medical worker, tuloy pa rin!

43

Tuloy pa rin ang pamahalaan sa pagre-recruit ng mga healthcare worker kasabay ng paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tugon ito sa sinabi ng Philippine General Hospital (PGH) na nakararanas na ng staffing crisis ang kanilang hanay kasabay ng pag-alis ng ilang volunter doctors sa COVID-19 referral hospital.


Ayon kay Roque, malaking tulong ang bagong graduates mula sa kursong medisina at nurses na kapapasa pa lamang.

Pagdating sa mga doktor, sinabi ni Roque na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang makapagtapos ang mga ito, at makasailalim sa kinakailangang pagsusulit.

Facebook Comments