Sa kabila ng pagkakadawit ng SAF sa illegal drug trade sa NBP, PNP – nanatiling mataas pa rin ang morale

178

Manila, Philippines – Mataas pa rin ang morale ng PNP sa kabila ng pagkakadawit ng Special Action Force (SAF) sa panunumbalik ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

Sa press briefing pagkatapos harapin ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang SAF members sa NBP, sinabi niya na buo pa rin ang pagtitiwala niya sa SAF.

Naniniwala siya na intriga lamang ito na nilikha ng sindikato ng droga na nasasaktan na ang kanilang multi-billion pesos drug trade.


Ayaw naman ituring ni General Bato na kabiguan o bigo sila sa tungkulin nila na linisin ang kontrol sa NBP.

Gayunman, ipasisiyasat pa rin niya ang sumbong upang malinis ang pangalan ng PNP bilang institusyon.

Facebook Comments