Sa Maguindanao, nalalabing miyembro ng BIFF, hinimok ng militar na sumuko na

129

Muling nanawagan ang militar sa mga nalalabing kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na sumuko na sa gobyerno.

 

Ayon kay 601st Brigade Commander Col. Jose Narciso ang kanilang pagsuko ay para tuluyang matamo ang kapayapaan sa Mindanao at para sa kapakanan ng kani-kanilang pamilya.


 

Sinabi naman ni 6th Infantry Division Commanding General  Maj. Gen Diosdado Carreon na sa pamamagitan ng aktibong  involvement  at suporta  ng LGUs sa  kinakasakupan  ng kanilang dibisyon  ay umaasa siya  na ang  nalalabi  pang BIFF members  ay susuko  na rin upang  ang mamamayan  ng Maguindanao  at iba pang  lugar  ay patuloy  na  makapamuhay ng  mapayapa at makabenepisyo  ng mga programa  ng  pamahalaan ng walang takot.

 

Matatandaan na limang kasapi ng BIFF ang sumuko sa bayan ng Talitay Maguindanao.

Facebook Comments

From Advertisers