Sa Manaoag Pangasinan, Lalaki na nagbebenta ng nakaw na motor, nahulihan din ng droga

66

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos itong mahuling nagbebenta ng nakaw na sasakyan sa barangay Babasit Manaoag Pangasinan.
Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Jeffrey Perez, 21 anyos , tubong Bulacan at kasalukuyang naninirahan sa Bonuan Bagong Barrio Dagupan City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakita ng awtoridad ang suspek na ibinebenta nito ang motor sa isang lalaki sa murang halaga at walang OR CR.
Ang ibinebentang motor ay pagmamay-ari umano ng isang binatilyo sa Mangaldan Pangasinan na ninakaw noong July 18, 2019.
Lumalabas din sa imbestigasyon na ito rin ang nagnakaw ng mga motor sa bayan ng Calasiao, Lingayen, Urdaneta City, Manaoag at San Carlos City kasama ang apat pang suspek.
Nakumpiska ang pitong sasakyan na ninakaw ng mga suspek maging isang sachet ng hinihinalang shabu.
Kakasuhan ito ng carnapping at Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments

From Advertisers