Sa Misamis Oriental, naglunsad ng clearing operation ang 5th IB matapos ang nangyaring engkwentro

Naglunsad ngayon ng clearing operation ang mga sundalo ng 58th Infantry Battalion upang barahin ang  masamang plano ng mga rebeldeng New Peoples Army o NPA na umataki sa kanilang ika 50 taong  anibersaryo sa Marso 29.

 

Ito ang inihayag ni 4th infantry division, Philippine Army, Spokesperson Capt. Regie Go.

 

Napag-alaman na may nangyaring bakbakan mga alas otso kahapon sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng NPA sa Sitio Pugahan, Barangay Bunal, Lungsod ng Salay, Misamis Oriental.


 

Ayon kay Go na naglunsad ng kanilang combat operation ang mga sundalo ng 58th IB nang makasagupa ang hindi mabilang na armadong mga rebelde at nangyari ang engkwentro na umabot sa mahigit kumulang sampung minuto.

 

Idinagdag ni Go na wala namang namatay o sugatan sa panig ng mga sundalo.

Facebook Comments