Sa nalalapit na Father’s Day, isang ulirang ama nananawagan ngayon ng gatas para sa kaniyang triplets

278

Ilang araw bago ang paggunita sa Father’s Day, isang ulirang ama ang nananawagan ngayon para sa kaniyang mga anak na naulila na sa nanay.

Viral ngayon sa social media ang istorya ni Joel Regal na nasawi ang asawa matapos nito isilang ang triplets noong Marso.


Sa interview ng RMN Manila, nanawagan si Regal sa mga gustong mag-donate ng gatas para sa kaniyang mga anak na magtatatlong buwan pa lamang sa susunod na linggo.

Kwento ni Regal, production operator siya sa isang factory sa Laguna kung saan dito rin nagtatrabaho noon ang kaniyang asawa.

Sa ngayon, ayon kay Joel ay breastmilk ang pinaka-kailangan ng kaniyang mga anak at umaasa siyang may mga mabubuting puso na magdo-donate kahit hanggang pagsapit ng anim na buwan ng mga ito.

Samantala, para sa mga nais mag-donate para sa Regal triplets ay narito ang kanilang Gcash account: 0951-540-8031 at BDO account number 0101-1010-1626.



Facebook Comments