Sa pagadian, tatlong estudyante na nag-viral sa social media dahil sa sobrang kalasingan, isinailalim na sa counseling

422

Isinailalim na sa counseling sa pamunuan ng Santa Lucia National High School dito sa Lungsod ng Pagadian ang tatlong babayeng estudyante na nag-viral sa social media matapos makuhanan ng larawan na nag-iinuman sa isang videoke house.

 

Makikitang naka-uniporme pa ang grade 8 students na lasing umano at di pumasok sa klase lunes ng umaga.


 

Agad natukoy ang pagkakilanlan ng naturang mga estudyante matapos makita ng mga guro ang post sa facebook at dahil minor edad di pinangalanan ang mga ito.

 

Ayon kay Dr. James Marquez ang principal ng nasabing eskwelahan kanila nang pinatawag ang mga magulang ng mga bata upang ipaalam ang pangyayari.

 

Todo tanggi naman si Prima Tan ang may-ari ng videoke house  at iginiit na wala siya tindang inumin kaya’t mali umano ang caption post na lasing ang mga bata.

Kasaluyang nagawa ng imbestigasyon ang konseho ng Brgy. Sto. Niño kung saan doon nakitang nag-iinuman  ang mga estudyante.



Facebook Comments