Sa pamamagitan ng istasyon ng RMN, mga ninakaw na gamit ng NPA sa dinukot na driver sa bayan ng San Miguel sa Iloilo City – naisuli

348

Manila, Philippines – Sa pamamagitan ng RMN-Iloilo isinaul ng New People’s Army ang mga gamit ng driver ng van na kanilang dinukot noong june 18 sa bayan ng San Miguel, Iloilo, tatlong araw bago nangyari ang pagsalakay sa maasin police station.

Kabilang sa mga ibinalik ang personal na gamit ni Charles Paconsis at ang pitong libong pisong cash na bayad sa pagrenta sa van na dapat sana ay gagamitin sa pag-atake.

Nagpadala ng sulat ang NPA sa RMN-Iloilo na nagsasabing isasauli nila ang mga kinuhang gamit.


Halos dalawang oras ang bineyahe ng mga kasama nating sila sina Ralph Mosqueda at will talaron kung saan piniringan ang kanilang mga mata, dinala sa bukid at doon naganap ang pagsasauli sa mga gamit.

Agad naman itinurn over ng RMN-Iloilo sa San Miguel Police Station ang mga kagamitan ni Paconsis.

Ang RMN-Iloilo ang isa sa mga pinagkakatiwalaan istasyon ng NPA para iparating sa gobyerno ang kanilang mga mensahe.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558



Facebook Comments