Sa PBA: Meralco Bolts panalo vs Northport Batang Pier

39

Nasungkit ng Meralco Bolts ang kanilang ika-pitong panalo sa 2020 PBA Philippine Cup.

Ito’y matapos nilang talunin ang Northport Batang Pier sa score na 80-73 kung saan bumida sa panalo ng Bolts si Bong Quinto na may 14-points habang tig-11 points naman ang nai-ambag nina Chris Newsome at Raymond Almazan.


Dahil naman sa pagkatalo, tinapos ng Northport ang kanilang kampaniya sa elimination na may 1-10 win/loss record.

Samantala sa unang game naman ngayong araw, tinambakan ng NLEX Road Warriors ang Terrafirma Dyip sa score na 127-101.

Facebook Comments