Sa Urdaneta City Pangasinan, lalaki sinaksak ang dalawang kapatid , isa patay

22

Patay ang isang lalaki matapos itong pagsasaksakin ng kaniyang kapatid sa Barangay Nancalabosan, Urdaneta City Pangasinan.
Arestado ang suspek na si Leo Ric Garonia, 26 anyos , para sa umanong pagpatay sa kaniyang kuya na si Ricky Garonia , 35 anyos.
Ayon sa pulisya, nag-inuman ang magkapatid sa kanilang tirahan nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na nagging sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Sugatan din ang isa pang kapatid nito na si Michael Garonia na umawat ngunit sinaksak din ng suspek.
Nakuha ng pulis ang 13 pulgada ng bolo na ginamit umano ng suspek.
Nasa kustodiya na ngayon pulisya ang nasabing suspek.

Facebook Comments

From Advertisers