SABWATAN | Jail warden ng Iloilo District Jail at siyam na tauhan nito, nahaharap sa kasong administratibo

Iloilo City – Dahil sa sabwatan sa pagpapasok ng mga ipinagbabawal na gamit sa kulungan, nahaharap ngayon sa kasong administratibo ang isang jail warden at siyam na tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Iloilo District Jail.

Bukod dito, haharap din sa hiwalay na kaso ang warden na si Superintendent John Montero dahil sa pagpayag nitong maipasok ang videoke at video karera machines.

Lumalabas sa imbestigasyon ng BJMP Region 6, nakipagtulungan din si Montero sa tulong ng mga tauhan ng bureau na maipasok at payagan ang mga cellphone at ipod.


Matatandaan na naging kontrobersiyal ang naturang kulungan makaraang ituro ng ilang nahuling drug pushers na dito sila kumukuha ng supply ng iligal na droga.

Facebook Comments