SAD NEWS | R&B Princess Kyla, muling nakunan!

47

Manila, Philippines – Malungkot na ibinalita ngayon ng singer na si Kyla na nakunan na naman ito sa pangalawang pagkakataon.

Nabatid na nitong Agosto lang nang malaman ni Kyla na buntis uli siya, dahilan upang pansamantalang isuko niya ang showbiz commitments dahil sa maselang kalagayan.

Pero noong nakaraang linggo, nawala na aniya ang kanilang angel.

Say pa ng R&B Princess, habang isinusugod siya sa ospital, sobrang sakit sa puso niya na tanggapin na muli na namang babawiin ang isang magandang regalo sa kanilang ng asawang si Rich Alvarez.

Pero sa kabila nito, patuloy silang mananalig na mabibiyayaan pa rin sila ng anak.

Facebook Comments