SAF members, walang direktang kontrol sa buong New Bilibid Prison ayon kay PNP Chief

130

Manila, Philippines – Bagamat hindi itinatanggi ng PNP na may mga miyembro ng Special Action Force na posibleng sangkot na sa transaksyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Iginiit naman ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na walang direktang kontrol sa buong NBP ang mga idineploy na miyembro ng SAF.

Paliwanag ni Dela Rosa, tanging maximum compound at building 14 ng NBP ang ginagwardyahan ng PNP SAF.


Kaya kapag wala sa mga bilangguang ito ang mga druglord ay hindi na nababantayan ng SAF kung may mga naipapasok na kontrabando katulad ng mga gadgets, cellphones, laptop computers.

Matatandaang una nang inamin ni DOJ Sec Vitaliano Aguirre na muli na namang nanumbalik ang bentahan ng iligal na droga sa bilibid at sangkot na dito ang ilang mga nagbabantay sa SAF members.

Facebook Comments