Safeguards para masiguro ang transparency at accountability sa implementasyon ng Bayanihan 2, sapat – Speaker Cayetano

74

May sapat na safeguards para masiguro ang full transparency at accountability sa paggamit ng pondo sa ilalim ng panukalang Bayanihan to Recover As One Act.

Ito ang tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa gitna ng pangamba ng publiko na magkaroon ng korapsyon sa pagpapatupad ng Bayanihan 2.

Aniya, iisa lang naman ang hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Kongreso at ito ay maibigay sa mga Pilipino ang aksyon at tulong na dapat nilang matanggap.

Patuloy aniyang magtatrabaho ang Kamara para masigurong matatanggap ang mga sebisyong ito sa pinakamabilis at pinakamahusay na paraan.

Samantala, pirma na lang ni Pangulong Duterte ang kulang para tuluyang maisabatas ang panukalang Bayanihan 2.

Facebook Comments