SAGUPAAN | Abu Sayyaf, patay sa engkwentro sa Patikul, Sulu

75

Patikul, Sulu – Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa nangyaring engkwentro laban sa pwersa ng 2nd Special Forces Battalion at CAFGU Active Auxiliaries sa Barangay Latih, Patikul, Sulu.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander, Brig/Gen. Cirilito Sobejana – mahigit-kumulang 30 armadong terorista sa ilalim ng asg sub-leader Sukara Inggug ang nakabakbakan ng mga sundalo na tumagal ng halos isang oras. Kinilala ang napatay na terorista na si Roger Samlahon.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang R4A3 na may nakakabit na m203 granade launcher, dalawang magazine na may ammunitions, dalawang cellphone at isang backpack.

Facebook Comments