Sagupaan ng militar at NPA sa Iloilo, 1 patay, 7 ang arestado kabilang ang isang menor de edad

Patay ang isang miyembro ng CPP-NPA Terrorists group habang pito pa ang naaresto kabilang ang isang menor de edad sa opensiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) malapitĀ  sa Sitio Anoy, Barangay Cabalaunan, Miagao sa Iloilo kahapon.

Nangyari ang sagupaan ng makatanggap ng ulat ang Tropa ng 61st Infantry Battalion ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army kaugnay sa presensiya ng NPA sa nasabing Barangay.

Napag-alaman na talamak umano ang pangingikil at pananakot ng teroristamg grupo sa mga residente roon.


Matapos ang 35-minutong bakbakan, napatay ang hindi pa kinilalang miyembro ng NPA.

Narekober ng militar ang isang M1 Garand Rifle, isang KG9 Sub-machine gun, 45 Caliber pistol, Improvised Explosive Devices (IEDs), Medical Paraphernalias, at mga subersibong dokumento .

Tiniyak naman ni Major General Eric Vinoya, ang Commander ng 3rd Infantry Division, Philippine Army, sa mga residente ng Western at Central Visayas, na handa silang ipagtanggol laban sa pang aabuso ng teroristang grupoĀ  sa kabila ng pagiging abala sa pagtulongĀ  para hindi kumalat ang COVID-19 .

Facebook Comments