Sagupaan ng militar at pinaniniwalaang Abu Sayyaf Group sa Bohol ,walo na ang patay ayon sa militar

202

Manila, Philippines – Walo na ang napatay sa naganap na sagupaan sa lalawigan ng Bohol sa pagitan ng tropa ng pamahalan at pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Ito ang kinumpirmma AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo.

Aniya sa walong ito, tatlong sundalo ang napatay habang lima sa panig ng mga kalaban.

Dalawang sundalo rin ang naitalang sugatan.

Nakarekober rin ang militar ng apat na mga matataas na kalibre ng armas kabilang na ang tatlong M16 rifle at isang M14.

Matatandaang alas 7 ng umaga kanina nang magka-engkwentro sa Sitio Ilaya, Barangay Napo, Inabang,a Bohol ang tropa ng pamahalaan at umanoy grupo ng ASG.

Una rito nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad ang mga residente sa lugar na may dumating na armadong grupo sa Sitio Ilaya sakay ng tatlong pump boats.
Nation”

Facebook Comments