Sahod ng mga manggagawa sa Zamboanga Peninsula, tataas ng ₱35.00

58

Inaprubahan na rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region IX ang P35 sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Zamboanga Peninsula

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang dating ₱303 na sahod kada araw para sa agricultural workers ay magiging ₱338 na.

Habang ang non- agricultural workers mula ₱316 ay magiging ₱351 na.


Inaprubahan din ng wage board sa Zamboanga Peninsula ang ₱500 dagdag sa buwanang sweldo ng mga kasambahay, mula ₱3,500 sa mga chartered cities at first class municipalities ay magiging ₱4,000 na ang buwanang sweldo ng kasambahay doon.

Facebook Comments