
Hindi lamang EDSA Bus Carousel ang ininspeksyon ng Department of Transportation – Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTR—SAICT) ngayong umaga.
Ayon kay Rayson Dela Torre, head ng Special Operations Group, layon ng kanilang inspeksyon na matiyak na maayos ang kondisyon ng lahat ng mga Public Utility Vehicle (PUVs) para matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong gumagamit ng pampublikong transportasyon.
Inirerekomenda rin aniya na sa Land Transportation Office (LTO) na ipasilip ang lahat ng bus unit kung nagkakapare-parehas ba ang pagiging colurom nito.
Napag-alaman kasi na hindi pa naaprubahan ang aplikason nito kung kaya wala pa silang permit para bumiyahe at kumuha ng pasahero.
Titiketan ang mga nahuling unit at nirerekomendang patawan ng showcause order.









