SAKOP NG KAPANGYARIHAN | Pagpapalawig sa termino ng AFP Chief, prerogative ng Pangulo

30

Manila, Philippines – Prerogative ng Pangulo na palawigin ang termino ng Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff.

Pahayag ito ni Drilon, kaugnay sa ginawa ng Pangulo Rodrigo Duterte na pagpapalawig hanggang anim na buwan sa termino ni General Rey Leonardo Guerreo bilang AFP Chief.

Si Guerrero na nagsimula lang mamuno sa AFP nitong Oktubre ay magreretiro na sana ngayong December 17.

Sa pagkakaalam ni Drilon, pwedeng umabot hanggang tatlong taon ang termino ng isang AFP Chief kahit pa lumagpas ito sa 56 na siyang edad ng pagreretiro.

Facebook Comments