SALAMAT SA SERBISYO | Isa sa pinakalumang warship ng Philippine Navy, pormal nang ipinaretiro

Manila, Philippines* – *Pormal nang ipinaretiro ang isa sa pinakalumang warships ng Philippine Navy.

Sa loob ng 38 taon, nagbigay ng serbisyo at naging simbolo ng lakas ng Philippine Navy ang Rajah Humabon na nasa 75-taong edad. Ang Rajah Humabon ay nakuha ng Pilipinas mula sa Estados Unidos noong World War II.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – inatasan na ang navy na isailalim sa decommissioning ang mga World War II – vintage warships bilang bahagi na rin ng modernization.


Paliwanag ng kalihim, luma na ang mga ito at mahirap nang i-mentena. Inaasahang ililipat ang lumang barko sa isang museo.

Facebook Comments