SALAMAT SA SERBISYO | Outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa, bibigyan ng huling parangal ng PMA

38

Manila, Philippines – Matapos ang isang taon at syam na buwang panunungkulan bilang PNP Chief bibigyan ng huling parangal ng Philippine Military Academy (PMA) si outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa sa Borromeo Field Fort Del Pilar sa Baguio City.

Ayon kay PMA Spokesperson Lt. Col. Reynaldo Balido alas 2:00 ng hapon unang ibibigay kay Dela Rosa ay arrival honors habang alas 3:00 ng hapon isasagawa ang testimonial parade.

Ibinibigay aniya ng PMA ang mga parangal na ito sa mga miyembro nilang nagkaroon ng mataas na katungkulan sa pamahalaan katulad ng pamumuno sa hanay ng Philippine National Police.

Isasabay na aniya sa testimonial parade ang pagbibigay ng award kay Dela Rosa.

Habang aasahan rin aniya ang talumpati ni PNP Chief Dela Rosa.

Si Dela Rosa ay nagtapos ng PMA noong taong 1986.

Kanina una nang nagpaalam si Dela Rosa sa hanay ng PNP sa isinagawa flag raising ceremony sa Camp Crame sa Quezon City.

Facebook Comments