Sales agent, patay sa pamamaril sa Sta. Maria Bulacan

180

Patay ang isang sales agent matapos pagbabarilin sa Bypass Road, Brgy San Gabriel, Sta. Maria, Bulacan.

Kinilala ang biktimang si Ramil Viola, 48 anyos.


Sa inisyal na imbestigasyon ng Bulacan Police Provincial Office, sakay ng isang SUV si Viola nang pagbabarilin ng mga lalaking sakay ng motorsiklong walang plaka.=

Agad na nasawi ang biktima matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Agad namang tumakas ang mga suspek na nakasuot ng helmet, dark colored jacket at maong na pantalon.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments