SALN ni Pangulong Duterte, ipapakita sakaling manalong senador – Malacañang

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na ipapakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) kapag siya ay nahalal bilang senador sa 2022.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, natitiyak siyang susunod si Pangulong Duterte sa polisiya ng Senado tungkol sa pagpapalabas ng kopya ng kaniyang SALN.

Sinabi rin ni Nograles na kokonsultahin niya ang Pangulong Duterte kaugnay sa hamon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na isapubliko nito ang kanyang SALN.


Matatandaang naging accessible lamang ang SALN ng pangulo sa publiko noong 2018.

Facebook Comments