SALPUKAN | 3 patay sa banggaan ng 2 sasakyan sa Puerto Princesa City

40

Puerto Princesa, Palawan – Patay ang tatlong pasahero matapos ang magkabanggaan ang dalawang sasakyan sa Barangay Sta. Cruz Puerto Princesa City.

Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Superintendent Imelda Tolentino, alas-9:10 ng umaga kanina nang mangyari aksidente.

Aniya isang Tamaraw FX ang nakaparada sa kanang bahagi ng kalsada sa direksyong patungo sa Barangay Salvacion pero biglang sumulpot pakurbadang daan ang isang Bus San Isidro na patungo naman sa Puerto Princesa City.

Dire-diretso itong bumangga sa harapang bahagi ng Tamaraw FX at nahulog sa isang malalim na kanal.

Dahil dito dead on the spot ang tatlong katao habang isinugod agad ang mga sugatan sa pagamutan.

Facebook Comments