Salpukan ng tricycle at SUV, pito ang sugatan kasama ang isang buntis

Makato, Aklan – Kasama ang isang butis at limang estudyante pati na ang driver ng tricycle sa mga sugatan matapos na magsalpukan ang isang tricycle at SUV sa crossing ng diversion road, Poblacion, Makato, Aklan kaninang tanghali.
Ang driver ng tricycle ay nakilala kay Ruthgar Amboboyog, 37-anyos, residente ng Calangcang, Makato, habang ang driver ng SUV ay kinilala na si Oliver De Leon, 48 -anyos at residente ng Bacolod City.
Ayon sa report na galing ang tricycle sa Brgy. Calangcang sakay ang mga estudyante ng Aklan State University Makato Campus na sina Jonabelle Tubao, 23-anyos, residente ng Libang, Makato; Anally Garcia, 22-anyos, residente ng Castillo, Makato; Sharmaine Joy Villanueva, 25-anyos ng Ibajay; Reuben Traje, 24-anyos ng Tangalan at Rex John Resula,21-anyos ng Antique papuntang direksyon ng Kalibo pero pag dating sa crossing ay nakasalpukan sila ng SUV na galing sa diversion road at papunta sana ng Caticlan.
Ayon sa ilang mga naka saksi sa lugar na mabilis ang takbo ng SUV dahilan para masalpok ang tricycle.
Agad naman rumesponde ang mga kapulisan at Makato MDRRMO ERT sa lugar at dinala sa hospital ang mga sakay ng tricycle na nagtamo ng minor injuries sa katawan habang ang driver ng tricycle ay nerefer sa out patient department.
Samantala, nasa kustodiya na rin ng Makato PNP ang driver ng SUV at posible mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Multiple Physical Injuries and Damage to Property.
#TatakRMN

Facebook Comments