Salpukan sa Recto Bank, posibleng “maritime accident” lang – Amerika

174

Naniniwala ang Estados Unidos na posibleng maritime accident lamang ang nangyaring pagbangga ng Chinese vessel sa Filipino fishing boat sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim – hindi makikialam sa insidente ang Amerika dahil ang sangkot lamang dito ay Pilipinas at China.


Pero naniniwala si Kim na kailangang may managot sa insidente.

Iginiit pa niya na dapat agad tinutulungan ang mga Pilipinong mangingisdang nagpalutang-lutang sa dagat.

Matagal nang may mga kasunduang militar ang Pilipinas at ang Amerika na siyang nagsusulong ng malayang paglalayag sa South China Sea.

Facebook Comments

From Advertisers