Sam Milby at Catriona Gray, matagal nang magkarelasyon?

92

Bagama’t noong nakaraang linggo ay umamin na sa tunay nilang estado, malakas ang paniniwala ngayon ng mga netizen na matagal nang magkarelasyon sina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ito ay makaraang i-post ng best friend ni Sam na si John Prats ang kanyang pagbati para sa dalawa, kalakip ang isang picture na kasama sina Sam at Catriona habang kumakain sa isang dinner party.


Ang nasabing picture ay tila parehas lang umano sa polaroid photos na kuha sa surprise birthday celebration ni Catriona noong January 2, 2020 kung saan naroon din si Sam.

Nabatid na ang dinning set-up ng party sa picture na ipinost ng Beauty Queen ay parehas ng set-up sa picture na ipinost ni John kung saan naka-focus ang shot sa magka-holding hands na kamay nina Sam at Catriona.

Nabatid na mahigit isang taon nang nali-link sa isa’t-isa sina Sam at Cat makaraang kumalat ang ilang litrato nila habang magkasama sa isang farm sa Rizal noong December 2018.

Facebook Comments