Sam Milby, deadma sa direct message ni Clint Bondad na ex-boyfriend ng kaniyang girlfriend na si Catriona Gray

265

Deadma ang aktor na si Sam Milby sa direct message via Instragram ni Clint Bondad na ex-boyfriend ng kaniyang girlfriend ngayon na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa Instragram account ni Clint, ibinagi nito ang screenshot ng private message niya sa new boyfriend ni Catriona kung saan tinatanong niya ito kung pwede raw itong maging kliyente niya.


Makalipas ang ilang oras nang i-post ito ni Clint, nag-share lang ang showbiz couple ng identical video, kung saan makikita silang dalawa na nagsasagawa ng relief program para sa mga pamilyang naapektuhan ng COVID-19 crisis sa Tondo, Manila.

Nagpasalamat naman si Catriona kay Sam sa suporta nito sa @youngfocusph family na kasalukuyang tinutulungan ngayon ng beauty queen.

Facebook Comments