SAMA NG PANAHON | Mga kanseladong international flights, nadagdagan pa

Manila, Philippines – Nadagdagan ang listahan ng mga kanseladong international flight sa NAIA, dahil sa masamang panahon sa Japan.

Kinansela ngayon umaga ang All Nippon Airways flight NH 820 na biyaheng Manila papunta ng Narita.

Una nang kinansela ang international flight ng Philippine Airlines ang PR 431 at PR 432 na biyaheng Manila-Narita-Maniladahil sa masamang panahon.


Samantala kanselado naman dahil sa Volcanic Activity dito sa Pilipinas ang Jetstar flight 3K 761 at 3K 762 na biyaheng Singapore-Manila-Singapore.

Ang lahat ng pasahero ay pinapayuhan na makipag ugnayan sa kanilang airline company para sa refund o rebooking ng kanilang flight.

Facebook Comments