Samahan ng mga empleyado ng PhilHealth, tutol na maging caretaker si DOH Sec. Francisco Duque III

445

Nanawagan ang workers union na “PhilHealth White” kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III ang italagang caretaker ng PhilHealth.

Ayon kay PhilHealth White President Ma. Fe Francisco, bilang chairman ng PhilHealth board, imposibleng hindi alam ni Duque ang mga anomalya sa ahensya pero patuloy itong nananahimik.


Nahaharap din aniya si Duque sa ilang imbestigasyon dahil naman sa bigong pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Giit ng grupo, ang nais nilang maging caretaker ng ahensya ay mayroong integridad, transparent, magbibigay ng pagasa sa mga empleyado at kayang linisin at i-disinfect ang PhilHealth.

Facebook Comments